Sa Diary ni Iska (Ikaw mismo ang karakter sa istoryang ito.)

 

Hayyy… Hindi naman talaga iba ang tingin ko sa iyo noon. Sabi ko pa sa sarili ko,”Hinding hindi ako magiging isa sa kanila.” Pero hindi nga! Hindi ko alam na mangyayari pala , ang unexpected feeling na ito.

Hindi ko rin sigurado kung kasalanan mo, kasalanan ko , nating dalawa, o sinadya lang talagang naging ganito ngayon ang sitwasyon. Magkakilala lang tayo dati e. Hindi nga tayo masyadong close noong una tayong nagkita. Isa lang akong tuldok sa malawak na mundo mo noon, tsaka isa ka lang hangin na dumaan sa paningin ko . Malay ko bang yung tuldok na iyon ay papansinin mo habang umiikot ang mundo mo? O sadyang ako lang ang pumansin at nagpadala sa bawat pag-ihip mo?

Ang labo mong tao. Bakit ka nga ba ganyan? Ikaw kaya yung unang nakipagkaibigan sa akin. Ikaw ang unang nakipag-usap sa akin. Baka sadyang gusto mo lang makipag-usap, makipagkilala. Ikaw kasi iyong Unang nakisakay sa mga pananalita kong walang kabuhay-buhay, mga kwentong walang saysay. Ilang buwan din iyon.

Naaalala mo pa kaya? Ang mga pag-uusap nating nagsimula sa, “Naniniwala ka ba sa end of the world?” Ilang gabi ng pagpupuyat para lang mag-usap sa kung anu-anong bagay. Mga salitang naubos sa mga debateng batay lamang sa kanya-kanya nating pilosopiya. At nagpatuloy pa ang ating mga usapan hanggang sa tanungin mo ako, “Sinong crush mo?” Nauwi pa tayo sa tanong na, “Nainlove ka na ba?”. Syempre sinagot kita, naikwento ko pa nga, ‘di ba? E papayag ba naman akong hindi malaman ang sagot mo sa parehong tanong? Ayun, napilit kitang ikuwento yung sa’yo. Hindi ko inasahang may maikukuwento ka rin pala. Ewan, simula ng mga pag-uusap na iyon, ang gaan na ng pakikitungo ko sa’yo. Parang ikaw na nga lang kausap ko sa buong bakasyong iyon e. Kahit madaling araw na, sige ka pa rin sa pakikipagdaldalan sa akin. Ewan ko kung paano mo napagtitiisang makipag-usap ng kasabawan sa akin noon. Hindi ko alam kung bored ka lang, wala kang makausap o wala ka lang choice kaya patuloy mo pa ring sinasagot ang mga GM at mga texts ko sa iyo.

Wala naman talaga akong maisagot noong naitanong mo iyon sa akin. Patuloy ka pa rin sa pangungulit. E, araw araw mo na akong tinatanong  tungkol doon. Naaalala mo pa ba? Inabot na tayo ng Pasko at Bagong Taon, kinukulit mo pa rin ako kung sino ba talaga, pero hindi pa rin kita sinasagot.

Naalala ko. Malapit na ang birthday mo, at ang simula ng mga klase. Iniisip kong ganito pa rin kaya tayo ‘pag nagsimula na ang klase? E, bakit parang naging bisyo ko na ang pakikipag-usap sa’yo? Hindi ko yata kayang matapos ang isang araw na hindi ka nakakausap kahit na “okay lang ” ang sagot mo. Alam ko na kaya yung sagot ko sa tanong mo? Ito na kaya iyon?

Nagpasya ako na itext ka. Para makipag-usap, syempre. (Tit! Tit!) Sabi mo nasa Davao ka. Hmmm. Okay. Usap-usap hanggang gumabi na.  Bigla na lang pumasok sa usapan natin iyang tanong mo, “Sinong crush mo?” Nakulitan na talaga ako sa’yo kaya sinabi ko, “Ikaw.” E defensive akong tao kaya sinabi ko pa kung bakit . Nakakainis ka, alam mo ‘yon? Feeler  ka talaga. “Sabi na nga ba e”, sabi mo pa. Tapos , pagkatapos ng usapang iyon, Okay pa rin TAYO. Masaya.

Dumating ang text ko sa’yo. “Happy birthday! More bdays to come! God bless you more! ” At sinagot mo ako ng “Thanks 🙂 God bless din” . (hihihi) unang birthday mo ‘to na magkakilala na tayo. Hindi muna kita kinausap masyado. Kasi medyo busy ka ata sa inyo tsaka medyo awkward pa para sa akin e. 🙂 Dumaan ang ilang araw, naghihintay na lang ako ng araw ng pasukan. Magkikita na ulit tayo .

Pasukan na. Akala ko awkward, pero hindi halata. Okay pa rin. Hindi kita maiiwasan kasi hindi naman tayo magkaklase pero pareho tayo ng student org. Buti na lang talaga, kahit na nasabi ko na sa’yo hindi pa rin nagbago ang pakikitungo natin sa isa’t isa. Patuloy pa rin tayo sa pagkukulitan. Naaalala mo pa kaya?

Tuwing Sabado. Magkausap pa rin tayo. Natutuwa ako kasi binibigyan mo pa rin ako ng oras mo. Hindi ko alam kung natutuwa ka rin o kailangan mo lang talaga akong replyan. Hindi ko alam. Naalala ko yung gabing sobrang hindi ko na kaya yung sakit at lungkot dahil sa nagpatung-patong na problema ko. Naalala ko yun, Ikaw yung nagreply para ‘makinig’ sa mga problems ko. Iniyakan pa kita noon. Nakakahiya. Binansagan mo pa akong “iyakin”. Pero hindi mo alam na sobrang natutuwa ako noon kasi pinatawa mo ako kahit sobrang lungkot na. Sabi mo pa, “Sa susunod iiyak mo kay God. Huwag na sa pillow okay? :)” Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi mong iyan. Simula ng noon, sabi ko sa sarili ko na hindi ako nagsisising ‘ikaw’ ang naging sagot sa tanong mo. :))

Bakit ikaw?  Hmm. Noong nakilala kasi kita ng husto, sobrang namangha ako kasi akala ko ako lang ang taong kahit anong mangyari, nakangiti or nakatawa pa rin. Akala ko talaga ako lang ‘yong ganoon pero hindi pala. Nagkamali ako. Ikaw din pala ganoon. Sobrang blessed ako. Ikaw ata ang sagot sa akin ni God sa mga prayers ko e. Nanghihingi kasi ako ng inspiration sa Kanya , ang nagpapangiti sa akin lalo. Hay Lord! Ang galing mo talaga!  🙂 Hindi ko sure kung ikaw ba talaga ‘yun o nabubulag lang ako ng worldly feeling na ‘to . Ewan talaga. Pero thankful  talaga ako at naging PART ka ng buhay ko. Ganito rin ba ako sa’yo?

Ano kaya ang iniisip mo ngayon? Naiisip mo bang iniisip ko kung anong iniisip mo ngayon? Naiisip mo bang iniisip kita ngayon? Naiisip mo ba ako?  Naiisip mo ba kung may ‘tayo’? Ako kasi, hindi ko alam. Hibang na talaga ako. Hindi ko alam kung ikaw ang dahilan o ako lang talaga. Ang gulo na ng mundo ko lalo na ng maglapit ang mundo nating dalawa. Ganito rin ba ang tumatakbo sa utak mo?

Kamusta naman? Parang saglit pa lamang tayong nagkakilala , more than 1 1/2 years na rin pero hindi pa rin nagbabago. Ikaw pa rin. Gusto ko ngang ulitin iyong mga panahon na madalas ikaw lang kausap ko. Hindi na kasi tayo ganoon ngayon e. Ewan ko kung anong nangyari. Hindi ko alam kung umiiwas ka at ibang tao na ang gusto mong makausap palagi. O sadyang ako lang talaga ang umaasa at patuloy na naghihintay sa’yo kahit alam kong wala ng patutunguhan ito. lahat ng nangyari dati ay pawang katuwaan lamang. Isa lang ba ako sa pampalipas oras mo? Hindi ko mabasa kung anong nasa isip mo at kung anong halaga ko sa’yo. Naalala ko ang sinabi mo sa akin ,”Lahat ng babaeng kaibigan ko parang kapatid lang ang turing ko sa kanila.” Hindi ko alam kung manhid ka o fishing o sadyang hindi ka lang talaga matapang para mag-aksaya ng panahon sa mga ganitong bagay. Gusto ko yan. Paasa ka ba? O ako lang talaga ang umaasa?

Ganoon din naman DAPAT ako. SInusubukan ko namang maging katulad mo, pero dahil na rin kasi tinutukso nila tayong dalawa, hindi ko maiwasan at hindi ko mapigilan na maramdaman ito ng puso ko. Hindi ko sigurado kung tama bang ikaw  ang sagot ko sa tanong mo. Hindi ko na alam ngayon kung ano ka na para sa akin. Basta alam ko special kang tao sa buhay ko. Hindi ko alam kung gaano kaespesyal pero masasabi ko na wala kang katulad para sa akin.

Matagal na rin. Kailan nga ba tayo huling nagkulitan? Naalala mo ba kahit minsan ang mga oras na iyon? Ako kasi, syempre naaalala ko pa rin. Hiniling mo na rin ba na sana ay maulit ang mga sandaling iyon kasi nakakatuwa? Kahit ‘yan lang. Okay na, sana. Pero parang hindi naman.

Haayyy. Hindi ko inaasahang magkakasama tayo ulit. Awkward pa ang paraan pero ayos na rin. Gumawa ng paraan ang mga kaibigan ko, baliw sila. Ito ‘yung sinali nila tayo sa isang event  para sa buwan ng mga puso. Alam mo bang sobrang natakot ako ng mga panahong ito? Naging awkward talaga ako sa’yo ng mga araw na ‘yon, hindi kita kinakausap, nagttext na lang ako sa’yo. Nasa isang table tayo at nagpaplano ng mga gagawin natin. Nakita tayo ng ibang kaibigan . “Ayiiieee!” sabi nila. Sorry! Umalis ako at iniwan kita mag-isa at lumayo pa ako. Nakakailang lang talaga. Sobrang ayaw ko na inaasar ng ganoon . Freak-out mode na ako noon, muntik ako umiyak . buti napigil ko. Sorry talaga. Hindi ko kasi alam ang mangyayari. Hindi ko alam kung masusurpresa ba ako sa oras ng event. Nag-expect ako ng mga bagay na ikinatakot ko.

Ayun nga. Walang nangyari. Thanks sa confidence na binigay mo sa akin pagkatapos natin makapag-usap, sa text , tungkol mga bagay na gagawin natin. Thanks kasi iniiwas mo ako sa awkward moments and thoughts. 🙂 Pero aminado naman tayong nag-enjoy tayong dalawa.sabi mo nag-enjoy ka. lalo na siguro sa musicvideo making natin. lol. Muntik akong maiyak sa huling part ng video natin. Gabi noon, may mga kandilang nakasindi sa isang platform  at hugis puso, dinala mo ako sa gitna ng mga iyon sabay bigay ng tatlong bulaklak. Kinilig kaya ako. Naiyak din ako hindi dahil sa sobrang tuwa, kasi scripted  lahat. May mangyayari kayang ganun sa buhay ko ? ‘Yung hindi scripted? Ikaw pa rin kaya yung kasama ko sa mga eksenang ganun?

Kinantahan mo pala ako ng, Para Sa’yo, pagkatapos natin umarte. Nakakainis ka. Sinadya mong gabi pa ang panghaharana mo. Kahit na scripted pa rin ‘yon, nakakakilig pa rin. Hay, Lord, kailan niyo po ba babasahin yung ginawa niyong lovestory ko?

Ngayon. Alam kong busy ka na nga. Ako rin naman. Kung mag-uusap tayo, hindi na sa kanya-kanya nating buhay. Tungkol na sa mga responsibilidad natin sa  para sa ibang tao, TRABAHO. Minsan nga pinapadalhan din kita ng mga GM ko baka sakaling pansinin mo at magpahinga muna saglit sa kung ano man ang pinagkakaabalahan mo pero , asa naman ako. Pakiramdam ko isa lang talaga ako sa mga ordinaryong tao sa buhay mo .

SIguro nga, nasanay na ako. Sana kasi hindi tayo masyadong naging malapit sa isa’t-isa tapos biglang BOOM! Sobrang lapit na tapos BOOM! Wala na. Wala na talaga. Ewan ko, HIndi ko alam talaga. Ang labo. Natatakot ako. Naguguluhan. Nasasaktan. Sa kabila ng mga nangyari, masaya pa rin ako kasi sa mga araw na nagdaan, alam ko sa sarili kong naging masaya rin tayo.

Isang taon na lang. Aalis ka na. Nakakatuwa at nakakalungkot. Maaalala mo pa kaya ako pagkalipas ng ilang taon? Kahit text lang mangungumusta ka kaya? Hindi ko alam. Ayokong isipin. Bahala na si Lord kung anong mangyayari. Hihintayin ko na lang dumating ang oras na yan. Susulitin ko na lang kung anong mayroon ngayon. Ano nga ba talaga ang mayroon tayo ngayon? Wala. Ano kaya ang naisip mo ngayon? Pareho kaya tayo ng iniisip? Ganito ka rin ba kung mag-isa ka lang sa kwarto mo? (Buntong hininga)

Direktor pala ako ng isang play .  Nag-imbita  pala ako para sa mga manonood .Thank you kasi sinuportahan mo ako. Nakakaiyak ka na talaga. Gusto ko nang isigaw ang pangalan mo  kahit dito lang sa sinusulat kong ‘to . Alam mo ba na sobrang saya ko kasi isa ka sa nanood ng play na yun? Ikaw pa ang unang nagcongrats sa amin (akin), thru text. Kahit may exam ka, nanood ka rin. Pagkatapos noon, wala na, tahimik na ulit. Naintindihan ko naman kasi hellweek rin.

Naalala ko tuloy yung weeks before the play tinanong mo ako kung magdidirector ako. sabi ko “oo” tapos tinanong mo kung saan at sagot ko, “sa theatre namin” . Ang ibig mo pa lang sabihin ay yung sa org natin. hahaha sobrang sabaw ko na ng week na ito tapos sumabay ka pa.

April2 ng gabi. Tinext kita ,”Ui, sorry. Nakalimutan kong April na at hindi ko pa nagagawa angtask ko”. Nagreply ka at sabi mo “Ok lang yun. kahit ako nakalimutan ko e.” May pahabol ka pang “Ui magpasa ka ng para sa directorship.” :)) hindi ko alam kung anong gusto mo . hehe pero ang sweet. Gusto mo ba akong makatrabaho ng mas madaming beses bago ka umalis? Ang dami kong naiisip.

Ang tagal na rin bago tayo huling nagkita at nagkausap. Nakita mo ako nung theatre play namin pero hindi kita nakita ng malapitan. Nagkausap tayo pero sa text lang. Namimiss mo kaya ako? Sobrang busy din kasi sa acads. Mabuti na lang may meeting tayo. Naligaw pa ako papunta sa lugar na ‘yon, kakainis. Nakita ko mga kaibigan ko kaya sumama muna ako sa kanila. Masaya naman. Masaya kasi kasama ko sila, masaya kasi magkikita tayo ulit 🙂 Late  ako dumating at tapos na kayong kumain.  Magkatabi pala tayo pero hindi naman tayo nagkakulitan ng oras na iyon. Masaya pa rin. Inasar mo na naman ako tungkol sa hindi ko pagpunta ng maaga. Nakakainis. Pagkatapos, humiwalay na rin ako kasi kailangan ko suportahan ang kaibigan ko. Kailangang pag-aralan ko na rin siguro kung paano lumayo sa’yo?

Bakasyon na naman. Umaasa pa rin ako na hindi ka nakakalimot sa kung anong mayroon tayo dati, o kung mayroon ba talagang tayo. Lagi naman akong naghihintay sa mga mangyayari. Sa madaling salita, hinihintay ko lang na ikaw ang magkaroon ng initiative 🙂 Hindi ko naman minamadali ang mga bagay-bagay . Hindi rin ako nag-eexpect ng mga mangyayari o mga sakaling dapat iexpect. Pero sigurado namang handa naman akong maghintay kahit hindi ko alam kung ano ang hinihintay ko at hindi ko alam kung sino ang dapat kong hintayin. Basta masaya ka , masaya na rin ako 🙂

Nagtext ka. Laman nun, “Congratulations…” natanggap kasi ako sa application. Niloloko nila ako kasi crush daw kita kaya ako nagpasa, pero loko lang yun. Alam naman nila ang kakayahan ko. Syempre MAS ALAM MO di ba? Tagal na nating magkatrabaho e. Para na rin matulungan ka ,sana magawa ko yun

Night of April 20. Pinaalalahanan mo ako tungkokl sa renewal form. BV ako noon dahil sa Prof ko. Nanjan ka palagi for me. Pumayag kang makinig ng mga walang kwenta kong rant. Thanks talaga. Natawa talaga ako noong nanghingi ako ng word sa’yo tapos TENNIS ang sinabi mo. Sobrang nakakatawa . Nawala yung BVness ko. Kinaumagahan noon nagkita tayo sa tambs. Late ka sa meeting. Magkatabi tayo, tapos inaantok ka na.   ako rin e kaya ginagalaw ko yung 6th finger mo hahaha. Nako sorry kasi naapakan ko ang paa mo bago ako umalis. Sorry talaga. Umalis ako kasi may lakad kami ng kaibigan ko. Hindi tayo nagkasama ng matagal.

Hindi naman tayo nakapag-usap kahit na summer. Kanya-kanya tayo ng focus. Ang alam ko nagssummer class ka. Ako naman may inaayos na papeles. Dumating ang May30. Naayos na sa wakas ang matagal ko ng nilalakad na papeles. Parang hangin lang dumaan ang bakasyon.

Ang dami nang nangyari. blahblahblah… Eto na ang bagong kabanata, sa buhay nating dalawa. Nakakatuwa. Nagkikita pa rin tayo. Isang hapon, nakita kita at kinausap tungkol sa trabaho natin. Ang laking luwag sa dinadala ko yun kasi nagkausap na tayo tungkol sa mga problema sa trabaho natin. May pinakita ka pala sa aking sirang outlet natin , out of my mind, nahawakan ko yung live wire at nakuryente ako hahaha 😀 nakita ng iba at sabay sabi pa nila, “Ui sparks!” Literal na may kuryente hahaha 😀

Next day, nagkita tayo sa booth, Dala  ko na yung pinagawa mo sa akin at ngumiti tayo sa isa’t- isa. Sana madami pa tayong ‘sparks’  moments 🙂

Isang dahong nahulog sa puno. Ganito na tayo ngayon. Matapos ang ilang araw, siguradong may bibitaw.  Pilit na ba tayong pinaglalayo ng panahon at pagkakataon? Walang dapat sisihin. Sayang lang ang mga pangyayari. Katulad ng dahon, pilit na lang ba tayong magpapadala sa ihip ng hangin? O patuloy pa rin tayong kakapit sa kung anong nasimulan natin?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s